Biyernes, Agosto 1, 2014

ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN

ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN

     
 Kahulugan at Pagkakabuo ng Kabihasnan                                                                                                                                                                                                                            Ang pagsasaka ang susi sa pag-unlad ng isang kabihasnan.Sa pamamagitan ng paglikha
 ng mga patubig, naparami ng mga magsasaka  ang lupang kanilang mapagtatamnan at gayundin 
ang dami ng pagkain na kanilang aanihin. Ang pagkakaroon ng sobrang pagkain ang nagbigay 
daan para sa espesyalisasyon ng paggawa--- may mga taong nag-iba ng kanilang gawain upang
maging artisano ,mangangalakal,pinunong politikal, pari, o kaya sundalo.Ang mga bagong gawaing ito aya nagdala ng mga makabagong larangan na mahalaga sa paghubog ng isang kabihasnan.

     Upang matawag n a mayroong sibilasasyon ang isang lipunan kailan gang taglay nito ang
mga sumusunod na katangian:
  • Pagkadalubhasa sa paggawa.
  • Pag-aantas ng lipunan.
  • Pagtatatag ng mga lungsod.
  • Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pamamahala.
  • Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pagsulat.
  • pagakakaroon ng mataas na kalinangan.
  Simula ng Kabihasnan sa Mesopotamia   
Picture                   
Heograpiya 
              Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Cresent. Ang lambak - ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukang Taurus sa hilaga at ng Kabundukang Zagros sa silangan. Ang hangganan naman
nito sa timog ay ang Disyerto ng Arabia at sa timog-silangan ay ang Golpo ng Persia. 
    Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa salitang Griyego na meso na ang ibig sabihin ay
"pagitan" at potamos o "ilog" nangangahulugan din itong "lupain sa pagitan ng mga ilog".
    Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates.Sa Mesopotamia 
nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria.

Pagbuo ng mga Lungsod-estado sa Sumer
     Sa paglipas ng panahon, ang maliit na pangkat ng mga magsasaka sa Mesopotamia ay nagsanib
upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng Uruk, Kush, Lagash, Umma, at Ur. 
     Ang mga unang uri ng pamahalaan ng mga pari,Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na Ziggurat. Ang Ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).

Ang mga Unang Imperyo
Picture

          Akkadian
   Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang pagiging Malaya.Pangunahin sa mga
lungsod na ito ay ang Ur sa ilalim ni Ur Nammu, ang lunsod na ito ay naging kabisera ng isang Imperyo na kumalaban sa Akkadian. 2100 BCE-- panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan ang Sumer at Akkad,
at nagpatayo rin ng Ziggurat si Ur Nammu sa Ur.

Babylonian
 Picture
    Sa pagsapit naman ng 2000 BCE, isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia.
Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon (nangangahulugang pintuan ng langit).Sa pagitan ng
mga taong 1792 hanggang 1750 BCE, nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok ng kapangyarihan sa ilalim ng
pamumuno ni Hammurabi. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop na pastoralistang nomadiko.

PictureAssyrian

  Mula naman 850 hanggang 650 BCE, sinakopng mga Assyrian ang mga lupain sa        Mesopotamia,Egypt,at Anatolia
. Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo. Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway

Pictureat mananalakay. Ngunit hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag-alsa ang kanilang mga nasasakupang mamamayan dulot  na rin ng kanilang kalupitan.

Chaldean

612
BCE--Panibagong imperyo ang itinatag at pinamunuan ng isang hari mula sa Chaldean na si Nabopolassar.

Relihiyon
    Ang mga Sumeryano ay naituturing na may politieska pananampalataya. ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3 000 diyos ang iba't- ibang aspekto ng kanilang buhay.



Kabihasnan sa Egypt

     Ito ay matatagpuan sa hilagang silangang asya kung saan umaagos ang Nile river. Umaabot ito sa silangan hangganang Egypt ang disyerto ng Sinai, sa timog naman ay ang disyerto ng Nubia, at sa kanluran ay ang malawak na disyerto ng Sahara.Sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile at sa kabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan.

Ito ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang sa Euphrates River. May nabuklod na dalawang kaharian at pinamumunuan ito ni Menes noong 3100 BCE. Itinatag ni Menes ang kabisera ng Memphis at itinaguyod ng unang dinastiya sa Egypt. Hinati ng mga historyador                                                                                                 ang mga kaharian sa tatlo:


  • Ang Lumang Kaharian 
  • Ang Gitnang Kaharian
  • Ang Bagong Kaharian

Simula ng Kabihasnan ng Egypt

Ang L umang Kaharian
     Sa panahonng ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian.Tinatawag din ang panahong ito na "Panahon ng mga Piramide" dahil sa ginagawa nilang mga piramide na kapwang libingan ng kanilang mga paraon. Ang mga paraon ay tinuturing nilang mga hari o diyos kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt. Nagwakas ang Lumang Kaharian dahil sa tagtuyot, magastos na halaga sa paggawa ng piramide , at agawan sa kapangyarihan ng mga maharlika.

Ang Gitnang Kaharian
    Muling napag-isa ang Egypt sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II. Dito, pinalakas nila ang sentralisadong 
pamamahala  gayun din ang kalakaln sa ibang lupain. Tinatawag ang panahon na ito na "Panahon ng mga Maharlika" dahil pinapakilos ang panahon na ito ng mga maharlika.

Ang Bagong Kaharian
   Nagsimula ang Bagong kaharian sa pamumuno ni Ahmose I. Binuo muli nya ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng Thebes. Muli niya isinaayos ang pamahalaan at pinabukas ang mga minahan at rutang pangkalakalan, Sinakop din niya ang Canaan at Nubia kaya tinaguriang "Panahon ng Imperyo" ang panahonh ito.

Katangian ng Kabihasnan

  • Relihiyon 
  • Lipunan 
  • Pagsulat
  • Agham at Teknolohiya


 Kabihasnan sa India
  Heograpiya 
      
                          Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush, Karakoran.=, at Himalaya na pinagmumulan ng tubig ilog. Pinagigitnaan naman ng Disyerto ng Thar sa silangan at ng mga bulubundukin ng Sulayman at kirtahr sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao.

Panahong Vediko ng mga aryano
    Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop na Aryano na pumasok sa lambak ng Indus simula 1500 BCE.

Pananampalataya ng mga Aryano

  • Buddhismo
  • Jainismo
Buddhismo
    Ang unang nagturo sa India ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa Kapilavastu na matatagpuansa kasalukuyang Nepal.

Jainismo
    Ayon sa mga Jainismo, lumitaw daw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma. Tianawag silang mga Jina na nangangahulugang "mananakop" at tinthankaras o "silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan".

Imperyong Gupta
     Makalipas ang 500 taong kaguluhan at digmaan,mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyong Gupta noong 320 CE.



Kabihasnan sa China

 Heograpiya
  Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China . Ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko.

Mga Unang Dinastiya 

  • Dinastiyang Hsia
  • Dinastiyang Shang 
  • Dinastiyang Zhou
  • Dinastiyang Qin
Mga Pilosopiyang  Lumitaw sa Huling Dalawang Dianastiya
       Tatlong pilosopiya ang nabuo sa Chia sa mahaba nitong kasaysayan. Ito ay ang Confucianismo,Taoismo, at Legalismo.

Confucianismo
      Si Confucius ay ipinanganak noong 551 BCE,sa panahon na ang dinatiyang Zhou ay unti-unting nawawasak dahil sa digmaan ng mga estado. Namuhay siya siya bilang isang iskolar at ayon sa kaniyang pag-aaral , dapat taglayin ng bawat isa ang Jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapuwa.

Taoismo
     Ang isa pang pilosopiya na sumibol sa China ay ang Taoismo. Itinuro ito ng Pilosopong si Lao-Tzu na namuhay noong 6 BCE. Naniniwala si Lao Tzu na ang pinakamahalang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpapaubaya sa natural na takbo ng kalikasan.

Legalismo
     Sina Hanfeizi at Li Su  ay dalawa sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo. Ayon sa pilosopiyang ito, ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan. Kailangan ng isang pamahalaan ang mga batas upang wakasan ang kaguluhan at magdala ng kaayusan.


Iba Pang Kabihasnan sa Asya
   
Ang mga Hitito
     Nagmula sa mga damuhan ng Gitnang Asya Hitito. Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass.Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan sila sa Kanluramg Asya.

Ang mga Phoeniciano
    Ang mga Phoeciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nananahan sa mauunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang manggagawa ng barko, manlalayag , at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos.

Ang mga Persyano
    Nagmula ang makapangyarihan g imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Kabilangang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano. Ang salitang Persia ay halawa sa katagang Persis, bansag ng mga Griyego sa lugar na iyon.


Ang mga Kabihasnan sa America

Ang mga Olmec
     Tinatawag na Olmec o mga taong goma (rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golponng Mexico noong 1200 BCE.

Ang mga Mayan 
    Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos.

Ang mga Aztec
    Nagmula sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica.Noong 1200, nagsilbi ang mga Aztec bilang mga sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa lambak ng Mexico.

Ang mga Inca
    Sa South America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes.

Kabihasnan sa Africa

Ang mga Kushite
     Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia (ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush.

Ang mga Aksumite
       Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum a pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solomon ng israel.Matatagpuan ang sa hilagang-silangang bahagi ng Africa.

Ang mga Imperyong Pangkalakalan
      Ang kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa.

Mga estado sa Africa

  • Ang Ghana 
  • Ang Mali
  • Ang Sonhai
  • Ang mga Hausa
  • Ang Benin
Ang Imperyo sa Katimugang  Africa
      Noong 1000, Nanirahan sa isang kapatagan sa pah]gitan ng mga Ilog Zambei at Limpopo ang isang pangkat na kinilala bilang mga Shona.Namuhay ang mga Hona sa pagsasaka at pagpapastol hanggang sa maging isang lungsod ang kanilang pamayanan.

Kabihasnan sa Pasipiko
  
                 MICRONESIA                                         POLYNESIA

Kulturang Pasipiko
     Ang rehiyon ng Oceania ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko. Kabilang dito ang mga rehiyon ng Polynesia, Micronesia , at Melanesia.

Polynesia
    Ang rehiyon ng Polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang New Zealand. Ang pangalang Polynesia ay galing sa mga katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami'
at nesos na nangangahulugang :"piulo".

Micronesia
    Ang micronesia ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas.Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na micros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo".Bahagi rin ito ng Oceania na matatagpuan sa silangan ng pilipinas, Indonesia, at Papua New Guinea.

Melanesia
    Ang rehiyon ng Melanesia ay matatagpuan sa Kanlurang pasipiko. Halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos  na ibig sabihin ay "mga pulo".Ang mga tao nakatira o naninirahan dito sa Melanesia ay lahat maiitim ang balat.



 Katherine Gale Jumao-as 8- PINK
INFORMATIONS FROM: DIWA LEARNING SYSTEM INC., Dexter John Ramos the author..
                                        http://soaringeagleons.weebly.com/mesopotamia.html
                                    http://nacierbesa.wordpress.com/2011/08/12/kabihasnan-egyptian/
                                     http://tl.wikipedia.org/wiki/Sinaunang_Ehipto        
                        http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/af/All_Gizah_Pyramids.jpg/350px-All_Gizah_Pyramids.jpg
                                         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento